For those of you who are hesitating to take the UPCAT because you are afraid of the
Tagalog questions, and are
doubly afraid of the
Tagalog Math questions- fear no more!
I have prepared for you sample Tagalog Math Questions to help you hurdle this intimidating entrance exam! Good luck taking the UPCAT! :)
Sample Tagalog Math Questions in UPCAT
T(anong) at S(agot)
T. Kung ang
triangle ay tatsulok, ano naman ang
square?
S. Patsulok
T. Kuwentahin : Tatlo itinaas sa kapangyarihan ng dalawa.
S. Siyam
T. Kunin ang parisukat na ugat ng apat.
S. Dalawa
T. Ano ang simbolo ng torta*?
S. Wala (o sero).
* sin(π)
T. Ano naman ang simbolo ng kalahating torta?
S. Isa
T. Isalin ang sumusunod sa isang ekspresyong matematikal : Lima, nagulat.
S. 5!
T. Payb taymis payb is ekwals tu __?
S. Tuwentipayb
T. Problema Bilang 1 :
Pumunta si Pedro sa isang estasyon ng gas. Ano ang panimulang basa
(initial reading) sa makina na namamahagi ng gasolina
(gasoline dispenser)
S. Sero-sero.
("Sir, sero-sero," ika nga ng gas boy).
T. Problema Bilang 2:
Ako ay may lobo, lumipad sa langit. Kung ang ekis ay ang bilang ng aking lobo, hanapin ang ekis.
S. Ang ekis ay hindi mailalarawan (
undefined)
Katunayan :
Hayaan ang ekis na maging bilang ng (mga) lobo.
Ang (mga) lobo ay lumipad sa langit (Binigay ng Problema).
Hindi na nakita ang lobo (Kung lumipad (ang mga) ito sa langit, malamang di na makikita).
Samakatuwid, hindi na mahahanap ang lobo.
Dahil ang ekis ay ang bilang ng lobo, hindi na mahahanap ang ekis.
Samakatuwid, undefined, o hindi mailalarawan, ang ekis.